PDU30 ‘hands off’ na kay Gina?

http://www.abante.com.ph/pdu30-hands-off-na-kay-gina.htm

download-22

Nang kausapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang senador noong nakaraang linggo, wala itong ibinigay na utos na palusutin sa Commission on Appointments (CA) si Environment Sec. Gina Lopez.

Isiniwalat ni Senate majority leader Vicente ‘Tito’ Sotto III na ang tanging iniwan na mensahe ni Pangulong Duterte ay “bahala na kayo.”

Kasama ni Sotto sa miting kay Duterte sa clubhouse ng PSG Compound sina Sens. Panfilo Lacson, Manny Pacquiao at Juan Miguel Zubiri, pawang mga miyembro ng Senate panel sa CA.

Isasalang sana sa CA si Lopez noong Marso 1 subalit dahil sa naging reorganisasyon ng Senado kung saan lumayas sa majority coalition ang limang senador na kasapi ng Liberal Party (LP) upang lumipat sa minority, magkakaroon ng pagbabago ang representasyon ng minority sa CA.

Sa pagsalang ni Lopez sa CA ngayong Marso 8, nakapila sa kanya ang 27 oppositor na tutol sa pag-upo niya bilang kalihim ng DENR.

Pero nabatid kay ni Sen. JV Ejercito na maraming senador na kasapi ng CA ang sumusuporta kay Lopez. Ang problema lang ay ay manggagaling sa house contingent ang kanyang appointment.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s