Sumobra na si Secretary Gina Lopez

http://www.journal.com.ph/editorial/opinion/sumobra-na-si-secretary-gina-lopez

download (13).png

Tama ang punto ni Finance Secretary Carlos Sonny Dominguez sa kanyang apela kay Environment Secretary Gina Lopez na dapat siyang maging opisyal ng gabinete at hindi crusader.

Lahat naman tayo ay gustong sagipin ang ating kalikasan laban sa mga mapamuksang pagmimina tulad ng ginagawa ni Lopez.

Pero hindi naman tayo sang-ayon sa wholesale closure ng mga minahan nang walang benepisyo ng due process.

Sa tingin natin, sumobra si Lopez sa kanyang mga kilos na posibleng magkaroon ng negatibong epekto sa ekono­miya ng bansa sa kabuuan.

Ang trabaho ng DENR at ng gobyerno sa pangkalahatan ay regulatory at hindi berdugo na kung ano na lang ang maisipan ay pipinsalain ang mga hanapbuhay.

Isipin natin ang libu-libong kababayan natin na mawawalan ng trabaho dahil sa pasya ni Lopez nang walang masusing pag-aaral.

Ang pinakamaganda sanang ginawa ni Lopez ay ipinatawag ang lahat ng mga mining operator at may checklist siya ng mga violation ng mga ito at kung anong pinsala ang nagawa nila sa ating kapalagiran.

Bigyan niya ng sapat na panahon na itama ang mga violation at kapag hindi pa rin nag-comply, doon mo patawan ng suspension pero hindi outright closure.

Kapag naisilbi na ang suspension at hindi pa rin nakasunod sa patakaran, kasuhan at patawan na sila ng multa.

Sa final decision pa lang dapat ipasara kapag talagang binalewala ang DENR. Gawin na ni Lopez ang lahat ng aksiyon, i-bulldozer na niya at tabunan ang lahat ng minahan sabay gapos sa mga operator dahil sa kanilang pagiging sutil.

Huwag nating ka­limutan, nanghihikayat nga tayo ng mga investor kaya wala tayong karapatang perwisyuhin sila sa isang kisap-mata.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s