EXPOSED: Mga kapalpakan ni Gina Lopez

Fight-Clean.jpg

Link to original

KUMAKALAT ngayon ang isang opposition paper sa confirmation sa Commission on Appointments ni Gina Lopez bilang Environment Secretary kung saan sinasabi na siya ay naglustay ng milyong-milyong piso, itinaboy ang mga katutubo mula sa kanilang lupa, walang habas na nagputol ng mga puno, at kinopo ang mga proyekto ng gobyerno para sa kapakinabangan ng mga kompanya ng kapamilya gamit ang kanyang estado bilang isang environment advocate.

Basehan nito ang iniulat ng Finance Department na aabot sa halos isang bilyong piso ang mawawalang buwis sa mga lokal na pamahalaan sa desisyon ni Sec. Gina na ipasara ang 28 mining sites sa buong bansa.

Ayon sa report, tatamaan ang kita ng 17 siyudad at munisipalidad sa 10 probinsiya ng bansa.

Lumilitaw din na panget ang track record ni Lopez sa pamamahala sa mga eco-tourism project at ilan dito ang tatlong environment project na in-award sa kanya.

May conflict of interest dahil tumayong managing director si Lopez sa ABS-CBN Foundation Inc. at Bantay Kalikasan na nagkamal ng salapi mula sa mga naturang proyekto.

Tumakbo ang mga tinukoy na proyekto ni Lopez na Sabsaban Falls Eco-tourism Project sa Palawan, La Mesa Ecopark Project sa Quezon City, at Pasig River Rehabilitation Project sa ilalim ng mga nagdaang administrasyon at nagripuhan ang kaban ng bayan ng multi-milyong piso.

Kasabay ng kumakalat na opposition paper na ito, nagpasa rin sa CA ang mga katutubo sa Surigao ng isa pang opposition paper laban kay Sec. Lopez.

Anila, maghihirap silang muli kapag ipinahinto ng kalihim ang pagmimina sa kanilang probinsiya lalo’t lumalabas na walang kahandaan ang ibang departamento ng gobyerno para matugunan ang kanilang sitwasyon na resulta ng padalos-dalos na hakbang ni Sec. Gina.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s