Gina Lopez, binigyan ng bilyong pisong kontrata ng sariling pamilya

GINAGAMIT ni Environment Secretary Gina Lopez ang kanyang puwesto sa administrasyon para tumabo ng pera ang kompanya na pag-aari ng kanyang pamilya.

The-Lopez-Oligarchs

Ito ay matapos niyang bigyan nitong January lang ng environment compliance certificate (ECC) ang Green Core Geothermal Inc. na maitayo ang Tongonan Geothermal Power Project in Barangay Lim-ao, Kananga, Leyte kasabay ng kanyang pagpapasara o pagsuspinde sa operasyon ng mga kakompetensiyang kompanya.

Kapalit ng pagkakamal ng kita ng Green Core Geothermal Inc. ay litaw na litaw ang bias at conflict of interest sa parte ni Sec. Lopez at ito ang dapat mabatid ng mga mambabatas na uupo sa confirmation ng kalihim sa March 1.

Ang takot ng marami ay hindi magagampanan nang ganap ni Sec. Lopez ang kanyang tungkulin kapag ganito lalo’t ang Lopez family ay involved sa energy sector.

Ang tanong tuloy ngayon ay paano niya bibigyan ng patas na hatol ang mga environment catastrophe kapag sangkot na ang energy business ng mga Lopez tulad 2010 FPIC pipeline na sumira sa West Tower Condominium.

Ang geothermal power plant ng mga Lopez na kompleto sa auxiliary systems at 138-kilovolt substation ay nakatayo sa mahigit 14 ektarya ng bundok at inaasahang makalilikha ng 123 megawatts.

Maaaring imbestigahan ng publiko ang inisyung ECC pabor sa Green Core Geothermal Inc. sa tanggapan ng Environmental Management Bureau na pirmado ng isang Jacqueline Caancan — ang officer-in-charge ng tanggapan — gamit ang otoridad o by the authority ni Lopez.

Link to original

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s