EXPOSED: Sugal ng mga Lopez, tumaya sa Magdalo!

http://www.philintheblank.org/special-coverage/sugal-ng-mga-lopez-tumaya-sa-magdalo/

Talagang doble-kara ang pamilya ni Gina Lopez. Sama-sama po nating ipaabot sa ating mahal na Tatay Digong ang pagtatraydor sa kanya ng mga Lopez.

Lopez-Magdalo.jpg

Talagang mga tusong negosyante ang mga Lopez. Alam na alam nila kung papaanong poprotektahan ang kanilang kayamanan at mga ari-arian. Isa sa kanilang mga pamamaraan ang pagtaya sa mga liyamadong politiko. Tingnan ninyo ito: Ikinampanya nila si PNoy at nangampanya rin sila para kina Grace Poe at Mar Roxas nang frontrunners pa ang dalawa sa nakaraang eleksiyon. Ngayong nanalo na si Tatay Digong, itinanim naman nila sa isang puwesto sa gobyerno ang isang kadugo nila sa katauhan ni Gina Lopez.

Pero anong kababalaghan ito? Isa sa mga Lopez – si Ernie Lopez ng ABS-CBN Publishing at isang major player sa negosyo ng pamilya – ang nakita kamakailan na nakikipag-bonding kasama ang numero unong kritiko ni Tatay Digong na si Senator Antonio Trillanes at pati ang naghain ng impeachment complaint laban sa ating mahal na Pangulo na si Magdalo Congressman Gary Alejano. Kasama rin pala sa litrato ang dating Magdalo solon na si Ace Asedillo.

Ang sabi ay kinunan ang litrato (kung saan makikitang enjoy na enjoy sina Ernie Lopez, Trillanes, Alejano, at Asedillo) ilang linggo bago ihain ni Alejano ang impeachment complaint.

Talagang doble-kara ang pamilya ni Gina Lopez. Isipin ninyo, nakikipagsabwatan sila sa Magdalo para pabagsakin ang ating Tatay Digong. Segurista talaga ang mga Lopez. Anuman ang maging outcome, kailangang nandoon sila.

Kung si Senator Leila De Lima ay sumabit noon sa litrato nila ni Kerwin Espinosa, ang litrato namang ito ang tuluyang magpapagsak kay Gina at sa kanyang pamilya.

Pumaplano-ng-Impeachment

Sama-sama po nating ipaabot sa ating mahal na Tatay Digong ang pagtatraydor sa kanya ng mga Lopez.

Advertisements

One thought on “EXPOSED: Sugal ng mga Lopez, tumaya sa Magdalo!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s